Huwebes, Agosto 10, 2017

College instructor na nagpakita ng maselang parte ng katawan sa kaniyang estudyante, huli

Pumasok umano sa silid-aralan ang 24-anyos na college instructor at isinara ang pinto. Nang mai-lock ang pinto, doon na raw naghubad ng pantalon ang instructor at ipinakita sa biktima ang pribadong bahagi ng kaniyang katawan. Nang makalabas sa silid, kaagad na nagsumbong ang estudyante sa guwardya ng paaralan na umaresto sa suspek at dinala sa pulisya. Pero bago nito, ilang beses na rin daw hinipuan ng instructor ang biktima, na labis daw na-trauma sa pangyayari. Lumalabas din sa imbestigasyon na may iba pa umanong estudyanteng nabiktima ang naturang instructor pero hindi lang nagsumbong dahil sa takot. Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek na nakakulong ngayon at nahaharap sa reklamo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento